Pagdidisenyo ng Tagumpay sa Filipino
Posible bang magtagumpay ang bawat estudyante? Palihan ito tungkol sa teorya at praktika ng paglikha ng mga andamyo (scaffolding) at panghubog na pagtatasa (formative assessment) para sa pagbabasa, pagsusulat, pagbigkas, at pakikinig sa Filipino. Serye ito ng mga pakitang-turo ng mga umubrang disenyo at magwawakas sa paglikha ng mga prototipong magagamit sa klase para sa MELCs ng iba’t ibang baitang.
1. Madaanan ang buong proseso ng pagsusulat ng awtentikong teksto.
2. Madaanan ang buong proseso ng pagbigkas sa harap ng klase.
3. Madaanan ang buong proseso ng pagtugon sa binasang teksto.
4. Madaanan ang buong proseso ng pakikinig at pakikilahok sa isang pangkat.
5. Makalikha ng prototipong disenyo para sa tagumpay.
- Target Participants: K-12 teachers
- PPST Domain Covered: 1, 5
Speaker
-
Paolo Ven B. Paculan