Ang Bago sa Pagtuturo ng Panitikan ng Siglo 21

Ang palihan ay pag-aaral at pagsasanay sa mga estratehiya ng pagtuturo ng iba’t ibang anyo ng panitikan ng ikadalawampu’t isang siglo. Layunin nito na suriin ang mga usaping kaugnay sa pagtuturo ng kontemporanyong panitikan kabilang na ang mga suliranin at hamon na kinahaharap nito sa antas ng dimensiyon, uri, estruktura, konteksto, at tradisyon ng panitikan. Gayundin ang pagtatawid ng mga estratehiya ng pagtuturo ng mga anyong pampanitikan sa loob at labas ng bansa nang may pagtutuon din sa pagpapalawak ng kontekstong heyograpikal, sosyolohikal, ekonomikal, at kultural na higit pang magpapatibay sa papel ng panitikan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

1. Nakatutukoy ng iba’t ibang umuusbong na anyo ng panitikan ng ikadalawampu’t isang siglo;

2. Nalalaman at nasusuri ang mga usaping kaugnay ng pagtuturo ng panitikan kabilang na ang mga suliranin at napapanahong hamon na kinahaharap nito sa antas ng dimensiyon, uri, estruktura, konteksto, at tradisyon ng panitikan;

3. Naitatawid ang mga estratehiya ng pagtuturo ng mga anyong pampanitikan sa loob at labas ng bansa nang may pagtutuon din sa pagpapalawak ng kontekstong heyograpikal, sosyolohikal, ekonomikal, at kultural;

4. Naiisa-isa at nailalapat ang mga estratehiya sa pagtuturo ng panitikan, kasabay ng pagbibigay-diin sa mga kalakasan at kahinaan ng mga ito;

5. Nauunawaan at napahahalagahan ang papel ng panitikan sa pagkatuto at pagkahubog ng kamalayan ng mga mag-aaral gayundin ang papel ng guro rito.

  • Target Participants: Junior and Senior HS teachers
  • PPST Domain Covered: 1
Tags:

Date

Jul 02 2022
Expired!

Cost

PHP 1,200

More Info

Register

Labels

Junior High School Teacher,
Senior High School Teacher

Location

Online

Organizer

Kagawaran ng Filipino
Website
https://www.facebook.com/kagawaran/
Register

Speakers

Menu